Monday, January 21, 2013

ABSTRACT-ANG BUNDOK APO SA KASAYSAYAN NG MGA DABAWENYOS





ANG BUNDOK APO SA KASAYSAYAN NG MGA DABAWENYOS:
Ang mga Katutubo sa Panahon ng mga  Kastila sa Mindanaw

Ni Faina C. Abaya-Ulindang,Ph.D
Mindanao State University-Marawi


ABSTRAK

            Sa kasaysayan ng mga relihiyon, nagging unibersal na ang malaking papel na ginagampanan ng Kalikasan, lalong lalo na ang mga bagay sa kapaligiran na nakikitaan ng pagkakaiba at may tinatawag na `awra’. Isang halimbawa nito ay mga bundok , katulad ng Bundok Apo- na siyang tinuringan pinakamataas na bundok sa Pilipinas,  na may kakaibang hugis o anyo.  Ito ay isang bagay na mapaliwanag lamang ng mga tinatagurian ng lipunan na may katangitanging `gift’ o abilidad ,katulad ng mga `mambabaya,’. Ang mga ito ay pinapaniwalaan bilang kanilang pinuno o kaya, bilang katuwang ng `datu’.

            Nang dumating ang mga Kolonyalistang Kastila sa Dabaw kanilang nalaman na may isang Diyos na kinatatakutan ang mga katutubo na nangangalang Mandarangan na naninirahan sa Bundok Apo. Itong si Mandarangan ay isang mabagsik na Diyos na kinakailangang busugin ng dugo ng mga tao na inaalay sa kanyang paanan. Ito ay winiwisik sa paaanan ng Bundok
Apo. Makikitang busog ito kung tahimik ang Bundok at ang mga tao ay malayang makakuha ng kanilang mga pagkain at makapangahoy dito.

            Para sa mga misyonerong Heswita ang paniniwalang ito ay balakid sa kanilang pagpapalaganap ng relihiyong Kristiyanismo at ng pagtanggap ng mga katutubong Dabawenyos sa kapangyarihan ng Espanyol sa kanila.

            Gamit ang Jesuit Letters at ang iba pang nauukol na batis sa kasaysayan ng Mindanao, naglalayong ipakita  ng papel na ito ang kasaysayan ng mga katutubong Dabawenyos ang kanilang paniniwala sa Bundok Apo bilang kaganapan ng kanilang pagkatao o identidad. Ito na rin ang nagbigay katuturan sa pamamaraan ng kanilang pakikitungo sa mga Kolonyalistang Espanyol.

            Gamit din ang framework ng `political economy’, tatangkain ng papel na ito na sagutin ang mga sumunod na tanong:
            1.Ano ang paraan ng mga kolonyalista upang maipalaganap ang kanilang kapangyarihan sa mga katutubo?
            2. Ano ang naging tugon ng mga katutubo sa mga pamamaraan ng mga kolonyalista?
           3. Ano ang nagbunsod sa masidhing hangarin ng mga kolonyalista upang mapasakamay nila ang Dabaw ? At bilang pangwakas,
            4. Ano ang halaga ng katutubong paniniwala, laong-lalo na sa Kalikasan, bilang sangga sa mapanupil na pamamaraan ng mga kolonyalista?

Labels: , , ,

1 Comments:

At January 23, 2014 at 1:02 AM , Anonymous Anonymous said...

Paglilinaw lang po: Ang Apu' Sandawa (Mt. Apo) ay sagrado para sa mga katutubong matatagpuan sa paanan ng bundok gaya ng Obo Manobo o Dibaluyon ng Kidapawan City, Magpet papuntang Arakan; Tinananon at Kulamanon Manobos ng Arakan at Bukidnon; Tagabawa mula Makilala, Bansalan, Digos at Sta. Cruz; Klata (Keratan), Diyangan o Jangan at Ubo. Ang huling tatlo ay external ascription ng Bagobo (ang salitang "bēgēbē" ibig sabihin ay tao o mga tao). Ang Dabawenyo ay concocted pagkakakilanlan ng Mandaya of Davao Oriental dahil nahihiya silang makilalang Mandaya. Maraming salamat po. Papandayan ng Lumad Mindanaw Peoples Federation-LMPF.

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home