ABSTRACT-ANG BUNDOK APO SA KASAYSAYAN NG MGA DABAWENYOS
ANG BUNDOK APO SA KASAYSAYAN NG MGA DABAWENYOS:
Ang mga Katutubo sa Panahon ng mga Kastila sa Mindanaw
Ni Faina C. Abaya-Ulindang,Ph.D
Mindanao State University-Marawi
ABSTRAK
Sa
kasaysayan ng mga relihiyon, nagging unibersal na ang malaking papel na
ginagampanan ng Kalikasan, lalong lalo na ang mga bagay sa kapaligiran na
nakikitaan ng pagkakaiba at may tinatawag na `awra’. Isang halimbawa nito ay
mga bundok , katulad ng Bundok Apo- na siyang tinuringan pinakamataas na bundok
sa Pilipinas, na may kakaibang hugis o
anyo. Ito ay isang bagay na mapaliwanag
lamang ng mga tinatagurian ng lipunan na may katangitanging `gift’ o abilidad ,katulad ng mga `mambabaya,’. Ang mga ito ay
pinapaniwalaan bilang kanilang pinuno o kaya, bilang katuwang ng `datu’.
Nang
dumating ang mga Kolonyalistang Kastila sa Dabaw kanilang nalaman na may isang
Diyos na kinatatakutan ang mga katutubo na nangangalang Mandarangan na
naninirahan sa Bundok Apo. Itong si Mandarangan ay isang mabagsik na Diyos na
kinakailangang busugin ng dugo ng mga tao na inaalay sa kanyang paanan. Ito ay
winiwisik sa paaanan ng Bundok
Apo. Makikitang busog ito kung tahimik ang Bundok at ang mga tao ay malayang makakuha ng kanilang mga pagkain at makapangahoy dito.
Apo. Makikitang busog ito kung tahimik ang Bundok at ang mga tao ay malayang makakuha ng kanilang mga pagkain at makapangahoy dito.
Para
sa mga misyonerong Heswita ang paniniwalang ito ay balakid sa kanilang
pagpapalaganap ng relihiyong Kristiyanismo at ng pagtanggap ng mga katutubong Dabawenyos
sa kapangyarihan ng Espanyol sa kanila.
Gamit
ang Jesuit Letters at ang iba pang
nauukol na batis sa kasaysayan ng Mindanao, naglalayong ipakita ng papel na ito ang kasaysayan ng mga
katutubong Dabawenyos ang kanilang paniniwala sa Bundok Apo bilang kaganapan ng
kanilang pagkatao o identidad. Ito na rin ang nagbigay katuturan sa pamamaraan
ng kanilang pakikitungo sa mga Kolonyalistang Espanyol.
Gamit
din ang framework ng `political economy’, tatangkain ng papel na ito na sagutin
ang mga sumunod na tanong:
1.Ano
ang paraan ng mga kolonyalista upang maipalaganap ang kanilang kapangyarihan sa
mga katutubo?
2. Ano ang naging tugon ng mga katutubo sa mga
pamamaraan ng mga kolonyalista?
3. Ano ang nagbunsod sa masidhing
hangarin ng mga kolonyalista upang mapasakamay nila ang Dabaw ? At bilang
pangwakas,
4.
Ano ang halaga ng katutubong paniniwala, laong-lalo na sa Kalikasan, bilang
sangga sa mapanupil na pamamaraan ng mga kolonyalista?
Labels: abstract, bundok, history, kasaysayan